9.11.2008

Mga Usyusero at Usyusera, Pasok po Kayo

Kung titingnan ninyo kung saan nanggagaling ang mga bisita ko kahapon and ngayon, mapapansin ninyo na nanggagaling sila sa dalawang lugar. Bakit sila pumupunta dito? Para maki-usyoso. Gusto nila makita at kilatisin itong bahay ko; kung bakit pumasa ito sa inspeksyon (tama ba ang pag-ispeling ko? LOL). Kaya ngayon, pinag-uusapan itong bahay ko. Tinitingnan kung may mga anay silang makikita. Pagkatapos eh pipintasan nila ito kung meron man (bakit daw pumasa eh may mga ads ako, atbp.) Hindi lang pala sa bansa natin ang may isip alimasag(talangka? LOL), kahit dito rin sa ibang bansa. May isang bahay din silang kinikilatis, grabe ang mga pinagsasabi nila tungkol doon. Kawawa naman ang may-ari, kababayan din natin. Wala lang, gusto ko lang magsumbong. Kanino kamo? Sa mga kabayan ko, kayo. Dito yung ibang mga usyusera galing.

3 comments:

  1. Grabe naman itong mga utak dilis, bakit ba pinagkukuwentuhan itong blog mo. kawawa naman ang kababayan natin kung ganon.

    ReplyDelete
  2. natawa naman ako nimo Barb. Your blog/write ups is of the best have NO questions na nakapasa ang blog mo.

    I'm home today (sick) kayat 'to i'm present. wink* Have a great day Barb.

    ReplyDelete
  3. Hi Sis,

    Thanks for visiting my parents blog. They are having fun blogging. My father loves to write. This is a good outlet for him. The only problem is their internet connection, which is bad.

    Btw, kababasa ko lang sa post/comment sa IZEA comm. blog tungkol sa blog mo. Naku, sabi ng asawa ko gusto daw niyang sulatan ang taong iyan to mind his own business at huwag daw mag asyoso sa ibang blogs, much more include a link to your blog. kung gusto daw niyang pumasa , he should concentrate on his blog and make it worth PPP's eyes. We are proud of you and this blog for passing the audit. Keep up the good work!

    jemi

    ReplyDelete

Thank you for taking the time to comment. :o)